This is my First Holy Week as a Christian and so far, not so good in terms of dealing with the unbelievers :(
A future priest friend ( praying for him) just called what I'm attending something like a Mormons. He indeed saw the influence.
Compassion. Compassion. Sobrang nalulungkot ako. He was trying to reach me back, proclaiming "Roman Catholic ka ah..Roman Catholic ka.." while I am praying for Him to be saved.
Yes, I am a Roman Catholic and I never had a plan to change that. It doesn't matter what is written. What matters is what happened inside.
So here is my speech, LT..(life Testimony, but it'll be edited in a while. wah.. biglang gusto ko nang mag back-out na ewan.
again, it's important to choose the battle field well, nanghihina lang ako, but we are more than conquerors in Christ. kaya to!!!!!
2nd Word
“ Hesus,
alalahanin Mo ako kapag naghahari Ka na. Ngayon din isasama kita sa Paraiso.”
Good Afternoon po sa inyong lahat.
Ako po si Jessica May Padayao, isang graduating Communication Student from PUP
Manila.
Four years ago, katulad din po ng
mga bagong graduates natin ngayon ng High School, lalo na po yung mga hindi
sigurado kung makakapag College pa sila, yung sinasabihan na “mag-aasawa lang
yan”, dapat manahi na lang o di kaya, mamasukan. Relate na relate po ako sa
ganyan.Feeling ko po nun, it’s College and me agaisnst the worls ang drama.
At that time po, sobrang gustong
gusto ko po talaga mag-aral, but the people around me keep on saying na “hindi
kaya…malayo..walang titirahan..anong kakainin mo?” Ang daming doubts kung
possible ba talaga..There is this sense of hopelessness, pain, rejection na
parang napaka walang kwenta ko (Maaga po kasi nawala si Tatay so, yung
edukasyon po parang naging pribilehiyo sya, rather than a right for me) .
Sa tingin ko po ganun din yung
Criminal na nagsabi kay Jesus na “ alalahanin Mo ako kapag naghahari Ka na”. Bago
nya po sabihin yun, nandun sya,in hopelessness, in pain and full of rejection
from the people around him din. Before nya makikilala personally si Jesus,
nandun po sya sa ganoong sitwasyon.
But sabi ko nga po, kahit na I feel
like walang kwenta,and far from Him, I ended up calling unto God for a miracle.
Sya na lang po talaga yung malalapitan ko since I feel that nobody really
believes and really cares sa kaya kong gawin or sa mga pangarap ko.
As Jesus responded to the request of
the Criminal , nag respond din po Sya sa aking panalangin by touching my Mom’s
heart, then eventually, yung puso naman po ng aking Lola sa Tuhod na nagpa-aral
sa akin and then yung sa Tita ko naman po.
Wow. Sino naman nga po ang
mag-aakala na makakapag College ako? At ngayon taon, makakapgtapos na po?
What I’m so grateful about College
is dito ko po talaga nakita how God worked in my life, kung paanong Sya ang
naging Father to me by being my provider, protector, counselor, company…many to
mention na po yung mga pinagdaan namin during College days J But certainly…
College built more and more my
relationship with Him.
Yung simula po talaga is meeting Him
in a so personal way.
Then as you meet Him, you will
believe Him, you will trust in Him alone. Sya lang po talaga ang magdadala sa
atin no matter what.
Eternal life is possible po right
here. Right now. Meeting and living with Christ within is us is parang heaven
na po talaga J
Sabi nga po ni Jesus, “Ngaun din…”
I encourage all of you po to
read and obey His word, the Bible, hindi
po dahil someone will check us or someone will watch, but because, gusto nyo pa
pong makilala itong Diyos na sobra sobra tayong mahal para ibigay ang kanyang
anak para lamang sa atin…
Huwag po tayong matakot mag pray for
the seemingly impossible things, for
with our God, nothing is impossible.:) Have Faith po. He can and He will do it J
-
Jessica
May Padayao
#